Lunes, Hulyo 11, 2011

Martes, Hulyo 05, 2011

Umober ka pa!


Buti na lang hindi kanal 'yung likod ng eskwelahan ko dati.

Miyerkules, Hunyo 29, 2011

FACEBOOK!

Ikaw sigurado ako na isa ka sa mga nagfa-facebook na paulit-ulit lang ang ginagawa. Click sa HOME. Click sa PROFILE pag nagsawa LOGOUT na. Titignan ang WALL ng crush tapos pati mga picture nya. Pag bago DP ni crush LIKE agad. Tapos minsan pag adik ka talaga sa facebook, magli-like ka ng kung anu-anong FANPAGE. Pati 'yung mga "KWENTO MO" na pages. Tapos madalas badtrip ka pa sa mga nagcha-chat sayo tapos magpapa-like lang naman diba?

Pero kahit ganon, adik ka padin sa facebook. Pag online ka tapos bagot na bagot ka na, parang ayaw mo na ulit mag-facebook. Pero pag hindi ka nakaupo sa harap ng PC o laptop mo, excited ka kung may nag-like sa bago mong status, sa bago mong mga WACKY PICTURES. Pati nadin kung may nag-add sayo. Kahit hindi mo kilala basta cute RESPOND TO FRIEND REQUEST agad. Tsaka kung nag-message ba 'yung ka-chat mo kagabi kasi nakatulugan mo sya.

Badtrip ka din sigurado kung BROADBAND gamit mo tapos bigla na lang na-cut ung unlisurf mo habang may ka-chat ka na matagal mo na hinihintay na mag-chat sayo. O kaya naman biglang nag-brownout o biglang na-lowbat ang laptop mo.

Ngayon medyo nabawasan na ang mga online sa mga friends ko pag hapon o kaya naman umaga. Naglalabasan yan pag gabi na. Pano gagawa daw ng assignment pero unang bubuksan nyan FACEBOOK bago si GOOGLE. Nauubos na ang oras kakatingin sa kung anu-anong updates sa CITYVILLE nya o kaya naman sa BACKYARD MONSTERS.

Paulit-ulit lang ang ginagawa mo pero nage-enjoy ka diba? Ganyan talaga parehas lang tayo. Kaya nga gumawa ako ng BLOG ko para kahit pano mawala ang katumalan sa buhay ko.

Huwebes, Hunyo 23, 2011

Wetdreams

Ala-una na ako nakatulog pero alas-singko pa lang nagpising na agad ako. Naunahan ko pa nga ‘yung alarm ko e’. Siguro dahil na din sa lamig ng panahon. Hindi naman ako makakapasok kasi baha dito hanggang leeg (ng bibe.) Sayang maganda pa naman ang panaginip ko. Kaso pag gusto ko na ulit matulog hindi na ako makatulog.

Ang naalala ko sa panaginip ko ay nandoon ako sa may Jollibee. May nakita akong babae na parang stranded sya. Tinanong ko kung taga-saan sya. Sabi nya taga Rizal daw. Nung una wala pa syang mukha. Ewan ko baka kako hindi pa sya fully developed. Madalas naman sa mga panaginip ganon. Nung nagtagal tagal ang paguusap namin, unti unti ko na nakikilala ang mukha nya. Siya ay si L*****. Hindi ko na sasabihin ang pangalan nya . Alam kong masaya na sya ngayon sa buhay nya.

Stranded kami parehas dun. Nagpapatila lang kami ng ulan pero hindi yata titila. Tapos naglakad lakad kami ng konti, bigla na lang napunta na kami sa palengke ng kung anung lugar. Naliligaw na kami. Nagtanong tanong ako para makauwi na sya. Hindi din alam ng mga tao dun kung san ang daan. May nakita akong mahiwagang kotse na kulay gold na may aura. Nilapitan ko ‘yon at nagtanong ako kung pano papunta sa Rizal. Sabi nya “Kainin mo ito at sabihin ang lugar kung saan mo gustong magpunta.” Dahil panaginip lang ‘yon syempre ginawa ko naman. Pero hindi nangyari ‘yung sinabi nya. Nandun pa din ‘yung girl. May kadramahan pa nga na nagyari e’. Sabi nya “Anong ginawa mo? Hindi mo alam kung lason ‘yun o hindi. Baka mapahamak ka.”

“Ginagawa ko lang lahat ng ito para makauwi ka ng ligtas” sabi ko. Tapos nagyakap kami at marami pang ibang nangyari (pero walang bed scene.) Nagkamabutihan kami. Hindi ko lang alam kung nakauwi nga sya. Pano naman nagpunta daw kami sa isang handaan. Akala ko reception ng kasal namin, ‘yun pala fiestahan lang. Pagkatapos nun hindi ko na sya nakita at nagising na ako.

PARANG TUNAY! Syempre nga panaginip lang. Lahat pwedeng mangyari. Pero sabi nga nila, lahat daw ng napapanaginipan mo, kabaliktaran daw ang mangyayari sa totoong buhay. Dreams are not about what they are about.


"If you dream about some particular subject it is not often that the dream is about that. Dreams speak in a deeply symbolic language. The unconscious mind tries to compare your dream to something else, which is similar. Its like writing a poem and saying that a group of ants were like machines that never stop. But you would never compare something to itself, for example: “That beautiful sunset was like a beautiful sunset”. So whatever symbol your dream picks on it is most unlikely to be a symbol for itself."


 Ayos na ‘yon kahit sa panaginip ko lang sya nakasama.

Kung totoo ‘yung kasabihan na ‘yon, ibig sabihin kabliktaran din ‘yung magiging mahirap ako? Buti na lang hindi ko napanaginipan ‘yung tungkol sa spratlys at sa mga bagyo.

Ang gusto ko lang mapanaginipan ay SUMIKAT NG SOBRA ANG KPOP!

WANTED SWEETHEART

Kagabi wala ako magawa kaya nag-radyo na lang ako. 97.1 lang naman naka-save sa list ko ng radio station kaya no choice na 'yon ang pakinggan ko. Pero idol ko talaga si papa dan dati pa. Lalo nung guest sila RAMON BAUTISTA, KIKO RUSTIA at ALEX de ROSSI. Panoorin nyu na lang sa youtube. Eto ung 1st part.



Panoorin nyo na lang ung mga susunod. Pero mabalik lang ako sa caller kagabi. 'Yung lalaki ayos din lahat ng sabihin ni PAPA DAN ginagawa. Eto isa sa mga usapan na natawa ako.


PAPA DAN: Tanong mo kung ano favorite nyang PET.
BOY: Ate ano daw favorite pet mo.
GIRL: Baboy haha (tawang may halong pagtataka.)
BOY: Malinis ba PET mo?
GIRL: Oo naman nililinis ko tuwing naliligo.
PAPA DAN: Kasama mo maligo 'yung PET mo?
GIRL: Hindi naman natatanggal 'yung PWET syempre kasama 'yon.
PAPA DAN: Hindi PWET. Ang sabi ni kuya PET.
GIRL: Ah sorry naman papa dan. Ang dinig ko kasi PWET. 'Yon pala 'yung PAA.

Alam ko na kung gaano kahirap maging DJ. Pero nakakatuwa lang kasi kahit hindi ka nakikita ng mga tao, nakakapagpasaya ka gamit ang boses mo. Hindi katulad ng ibang DJ na todo na kung mag-joke pero sila lang ang natatawa.

Eto pa isang part ng usapan kagabi.

PAPA DAN: Pare tanong mo kung ano paborito nyang fastfood.
BOY: Ate ano daw favorite mong fastfood
GIRL: Jollibee.
PAPA DAN: Galing ah. Naiintindihan na nya tayo.
BOY: Oo nga e'.
PAPA DAN: Ate ano paborito mong MASCOT?
GIRL: FRIED CHICKEN!
PAPA DAN: KELAN PA NAGING MASCOT ANG FRIED CHICKEN! 


Miyerkules, Hunyo 22, 2011

OPM vs FOREIGN SONGS

Kanina kasi sa opisina puro english songs ang pinapatugtog. Simula pag in ko hanggang uwian. Walang tigil na ganon. Sa dinami-dami ng kantang tagalog wala man lang maputugtog maski isa lang. Kaya napagisip-isip ko "wala na ba talaga ang OPM?!"


Natural OPM talaga ako. Hindi ko alam kung bakit nila nagugustuhan ang mga KPOP na hindi naman nila maintindihan. Sige sabihin na natin na naiintindihan nila. Pero 'yung message ba talaga ng song 'yung iniintindi oo 'yung mga baduy na porma ng mga feeling pogi na 'yun. Lalo na kay JUSTIN BIEBER. English mga kanta nya pero alam mo ba kung ano ibig sabihin ng kanta nyang BABY?! ONE LESS LONELY GIRL?! Siguro hindi. Ako hindi talaga (at wala ako balak intindihin 'yon.)

OPM talaga gusto ko kahit ba nandyan ang mga bandang DASHBOARD CONFESSIONALS, ESCAPE THE FATE, ALL TIME LOW, MAYDAY PARADE at marami pang ibang foreign bands. Maski sa MYX konti na lang ang mga OPM na kasama sa top10. Kadalasan ang mga kasama 'yung 2NE1, GIRLS GENERATION tsaka 'yung mga lalaking KPOP (hindi ko alam pangalan ng sorrority nila.) Konti na lang kasi ang matibay tibay na OPM POP ROCKERS ngayon. Pero may mga papasikat na mga banda gaya ng TANYA MARKOVA.

May mga grupo naman ng pinoy na magpapalakas daw ng OPM. Pero ginagaya naman nila ang mga style ng KPOP. SUS! OPM nga copy+paste naman sa ibang bansa. Kaya naman natin gumawa ng sariling atin kaso nga lang natatakot lang kasi nga kesyo hindi sumikat kesyo hindi tangkilikin ng mga kabataan na nabubuhay na sa mga KPOP at foreign songs.

Pag ako talaga nag-banda gusto ko walang english na sasabihin sa lahat ng mga kanta namin. Pure tagalog. Pure POP ROCK (kung makakapag banda ako.)



Support OPM! Si RIZAL na ang may sabi, "Mahalin natin ang ating sariling wika." (pero 'yung mga tula at nobela nya kastila.)