Miyerkules, Hunyo 22, 2011

OPM vs FOREIGN SONGS

Kanina kasi sa opisina puro english songs ang pinapatugtog. Simula pag in ko hanggang uwian. Walang tigil na ganon. Sa dinami-dami ng kantang tagalog wala man lang maputugtog maski isa lang. Kaya napagisip-isip ko "wala na ba talaga ang OPM?!"


Natural OPM talaga ako. Hindi ko alam kung bakit nila nagugustuhan ang mga KPOP na hindi naman nila maintindihan. Sige sabihin na natin na naiintindihan nila. Pero 'yung message ba talaga ng song 'yung iniintindi oo 'yung mga baduy na porma ng mga feeling pogi na 'yun. Lalo na kay JUSTIN BIEBER. English mga kanta nya pero alam mo ba kung ano ibig sabihin ng kanta nyang BABY?! ONE LESS LONELY GIRL?! Siguro hindi. Ako hindi talaga (at wala ako balak intindihin 'yon.)

OPM talaga gusto ko kahit ba nandyan ang mga bandang DASHBOARD CONFESSIONALS, ESCAPE THE FATE, ALL TIME LOW, MAYDAY PARADE at marami pang ibang foreign bands. Maski sa MYX konti na lang ang mga OPM na kasama sa top10. Kadalasan ang mga kasama 'yung 2NE1, GIRLS GENERATION tsaka 'yung mga lalaking KPOP (hindi ko alam pangalan ng sorrority nila.) Konti na lang kasi ang matibay tibay na OPM POP ROCKERS ngayon. Pero may mga papasikat na mga banda gaya ng TANYA MARKOVA.

May mga grupo naman ng pinoy na magpapalakas daw ng OPM. Pero ginagaya naman nila ang mga style ng KPOP. SUS! OPM nga copy+paste naman sa ibang bansa. Kaya naman natin gumawa ng sariling atin kaso nga lang natatakot lang kasi nga kesyo hindi sumikat kesyo hindi tangkilikin ng mga kabataan na nabubuhay na sa mga KPOP at foreign songs.

Pag ako talaga nag-banda gusto ko walang english na sasabihin sa lahat ng mga kanta namin. Pure tagalog. Pure POP ROCK (kung makakapag banda ako.)



Support OPM! Si RIZAL na ang may sabi, "Mahalin natin ang ating sariling wika." (pero 'yung mga tula at nobela nya kastila.)