Linggo, Hunyo 12, 2011

ARAW NG HAPPINESS!

NGAYON:
Maligayang araw ng KALAYAAN!

KAHAPON:
Sabado ika-labing isa ng hunyo taong dalawang libo't labing isa.

Umaga. Nagco-computer ako inaayos ko pa kasi ung BLOG na ito para sa background. Biglang may nagtext na number lang. Ang sabi nya, ay wala na pala ung text. Pero kilala ko na kung sino talaga yon. Tapus may sumunod na text. Eto nakalagay.


HULI KA BALBON

Lagi naman ganon yan. Pag kailangan ako gusto lagi nandoon agad ako. Pero pag sya kailangan ko WALA! tsk tsk. Buti na lang mabait ako. Pinagbigyan ko na. Nagpunta muna ako sa BSU para tignan kung gawa na ung OJT SHIRT namin pero wala pa hanggang ngayon. Lagi nalang pag lumuluwas ako, malakas ang ulan. Pero pag nasa bahay lang ako, tirik naman ang araw.

SALAMAT KALAMIDAD NAPAKABAIT MO SA AKIN!

Pero bago ako makapunta sa bahay namin may nagtext na naman. "BILI KA DAW NG MANI 20 PESOS."  Hilig sa mani. Pero dahil sagot na nya place ayos lang na ibili ko (may bayad naman un pagdating.) Nakapunta din sa pupuntahan. Pero sabi nila madami daw bisita si ITLOG (utol ko na ayaw sa cellphone.) Lagi naman madami bisita un. Pano malaki nga kasi bahay namin. 

MANO NGA PO! MANO NGA PO! MANO NGA PO! Napakabait ko talaga. Nilagay ko lang ung mani sa may kalan, tapos derecho na sa barracks. Nagsisimula na sila nung pumunta ako. Dala dala ko pa ung bag ko kasia akala ko may swimming (wala pala.) 'Yon nomo nomo. Bumili ng balot penoy kropeck. Tapos nung nakain na tsaka lang naisip na lalansa ung baso. Wala na nagawa lalo na kay KAYKAY (special mention ka pengeng bente.) Halos lahat ng balat ng balot tsaka penoy nasa tapat nya. Hindi ako kumakain ng PENOY, ewan ko kung bakit basta ayaw ko lang kahit try. Lumalalim na ang gabi, malakas na ang boses ni SARLEYN (tagalog ng sharlane; special mention ka din pengeng trenta.) Nagpa-bili muna ako ng FRIED ITIK (favorite puluts.) Akala ko 75 lang 'yon 130 pala. Bumalik si BALUGS (ang katangi tanging supot samin; hindi na ako manghihingi sayo ng pera malakas ka kumikbak.) Masarap naman kahit pano. Pero mas masarap ung dati. Last order na kasi ung nabili namin dati.

Gabi na at kailangang ng umuwi ng magkapatid may pasok pa daw kinabukasan (pero sabado pa lang non.) Nag-sounds na ako ng LOVE SONG pano alam kong may mabigat na dinadala si ATE BHIE (hindi ung governor ng batangas; kapangalan lang sya non.) 'Yon na nag-open na sya. Ako naman si papak lang WONDER BOY (jowa ng wonder girls.) Lahat ng kanta favorite nya o kaya naman favorite ni ATE MAYET  (kelan ba talaga ako makakapagsuot ng barong? wag na lang haha.) Kwentuhan sila ng kwentuhan. Pano daw mahirap ang long distance relationship. Tapos biglang napunta sakin ang usapan. Kamusta daw ba buhay pag-ibig ko. SOWS! Wala 'PA' ako nyan hinihintay ko pa na magkaroon sya ng work para daw wala na masabi parents nya sa kanya kung bakit nag-bf na sya ng POGI (ehem! ehem!) Wala na lobat na mp3 ko kung kailan favorite na daw ni KUYA ERNIE (jowa ni ATE MINDA na may ari ng isang computer shop at inuman.) Lumabas pa naman para lang pakinggan ung kanta kaso lang eenngggk! MISSION FAILED! Hindi na natapos ang kanta kaya kami at nagdesisyon nang umuwi at baka mahuli pa kami ng MASISIPAG AT PINAGKAKA-- PINAG-- PINAGKAKAPI-- PINAGKAKAPITAGANG (nabanggit din ng maayos) MGA BARANGGAY TANOD NG BALATONG-B.





P.S
Wala na naman si EMMAN.