Martes, Hunyo 21, 2011

JUNE 21

Ngayon ay FATHER'S DAY sa Egypt, Lebanon, Jordan, Syria at Uganda. Ngayon din ay GO SKATEBOARDING DAY at National Aboriginal Day sa Canada. Ngayon din ay World Music Day, International Surfing Day at World Humanist Day. Pero para sa akin, ito ay TUMAL DAY.

Tanghali na ako gumising kasi alam ko wala naman ako gagawin ngayong araw. Ang bago lang siguro sa ginawa ko ngayon ay nagLABA ako. Wala talaga magawa kaninang hapon kaya ayon nilabhan ko 'yung mga labahin dito (chinempo ko na 'yung towel ko lang nasa labahan.) Hindi naman kasi ako makatulog pag hapon pano tanghali na ako nagigising. Pag gising ko sakto lagi tapos na ang first contestant sa SHOWTIME. Tapos next nun hihintayin ko na lang 'yung JUAN FOR ALL, ALL FOR JUAN. Natatawa lang ako dun pero hindi ko alam kung bakit. Kahit hindi magjoke ayus lang. Buti na lang may pasok na ako bukas. May mga bagong apply na OJT (sana mga chiksii.) Pipintahan ko lang bukas.