Isang maulan na araw kaya nakakatamad pumasok. Pero no choice kelangang kunin ung digicam kala mama sa pulilan. Ayon kahit umuulan pumasok ng walang dalang payong (tamad talaga ako mag-payong kahit bagyo pa yan.)May hinihintay akong babae kaso hindi pumasok. Baka sa monday pa papasok un. As usual boring pa din sa OJT. Puro post lang ng post ng ads. Ang lamig pa lalong nakakatamad. tapos busy pa mga tao kasi daw iche-check sila ng TESDA. Wala na ako balak sabihin tungkol sa opisina.
Sa byahe na tayo. Halos tatlong oras ang byahe ko pano ba naman traffic sa STA. RITA (dun sa tulay.) May truck daw na nasiraan. Pag tapat ng bus sa truck na un, nakita ko ung driver may callmate pa. Hindi mo naman masasabing emergency call un kasi tumatawwa pa. Parang ganito HAHAHA! Ung ganung tawa. Buti na lang hindi pa lobat mp3 ko nun. Nag-sounds muna ako ng LOOK AT ME NOW ni chris brown. Ung kay BUSTA RHYMES lang gusto ko dun kaso ang hirap kabisaduhin. DADADA lang alam ko dun. Pero balang araw makakabisado ko din un PROMISE! Ayon na nakapunta na ko sa hacienda namin. Ang ama ko lang ang inabutan ko sa bahay. Nagising ko pa yata. Sa paghahagilap ko ng camera naabutan na ko ng INA KO. Un lang pinunta ko dun. Pamasahe lang lugi na. Partida wala pang lunch un. Kaya pag-uwi ko dito sa caloocan, bumili muna ako ng HOTSHOTS (sa KFC.) Para kako madami ako makain. Nasobrahan naman yata kasi sumakit ang tyan ko. Tapos talo pa MIAMI sa replay ng basketball tsk tsk. Totoo nga siguro ang kasabihan na, "KAHIT KAILAN HINDI MANANALO ANG KASAMAAN"
![]() |
| BAKIT BA KASI SI NOWITZKI PA UNG ANGHEL |
Umaasa ako na sila ang mag-champion AMEN!
