Ikatlong araw ng OJT. June 6, 2011
Maaga na naman akong pumasok pero late padin sila sir. Hindi ko na naman mapapanood ang 3rd game ng DALLAS vs. HEAT. Pero goodnews panalo naman daw. Pag-akyat ko sa room, may nakita akong dalawang babaeng naka-uniform. Sana kako maganda. Nung humarap, dun ko na-realize na tama pala ung kasabihan na, NASA HULI ANG PAGSISISI. Mga mag-oojt din pala yon. Pero by the way ung isa black beauty. Pag-pasok pinagawa na naman ako ng walang kakwenta kwentang ads tungkol sa KOREAN LANGUAGE TRAINING. Kahit na copy-paster lang ginagawa lalo KOREAN pa. may pinagawa na naman si SIR ROY. Hindi PAPER-CUTTING at hindi pagdi-dikit ng DOUBLE ADHESIVE. Pinalinis lang naman nya ung maliit na ELECTRIC FAN nya. Ang baduy nya talaga. Binasa ko lang ng binasa. Hindi ko na pinunasan. Mahahanginan naman kako ‘yon. Matutuyo din sya kusa.
Next, si PARENG NEO naman ang may pinagawa. Binigyan ako ng parang lunch box na medyo parang kainan ng aso (imagine mo na lang). akala ko ililibre ako ng breakfast. Ang sabi lang nya “LAGYAN MO NGA NG TUBIG TO PRE, LINISIN KO LANG UNG AQUARIUM.” ANYARE! Ang laman lang naman ng AQUARIUM nya tatlong GOLD FISH DAW! (kasing laki lang ng kulangot ng mamang lasing) na kulay SILVER. Pero GOLD FISH DAW! un sabi nya. No choice na naman ako. Kumuha ako ng tubig sa BOWL! Pero syempre joke lang yon. Sa gripo ako kumuha, animal friendly ako kahit hindi halata.
Pag balik ko sa opisina, ayon na, pinapasok na pala ung dalawang babaeng nakapalda. Ako ayon post lang ng post ng ADS! Ini-interview na sila ni SIR ROY. Maganda ung VOICE nung isa. Dun ku nalaman na tama ang MANIFESTO NG MAGAGANDANG BABAE na pag maganda ang boses, panget sa PERSONAL. Pero hindi naman gano, actually cute sya. Binigay na ung schedule nila. M-W-F schedule nya. Nung ako tinaning syempre ano pa sagot, M-W-F din ako. Sabi ni SIR ROY, “TURUAN NYO NGA UNG MGA BAGO KUNG ANO GINAGAWA NYO.” Ang napunta sa akin syempre si ERICHA (ung black beauty.) Ako naman si turo turo. Pero maski ako hindi ko malaman kung ano kahalagahan ng pinaggagawa ko dun. POST! POST! POST ADS! Naintindihan naman daw nya. Tapos umalis na sila kasi hindi pa sila duty nun. Sa Wednesday na ulit pagkikita namin.
Pagtapos nun, inutusan si PARENG NEO na bumili ng LAPTOP CLEANING KIT, tsaka GOLDILOCKS para daw dun sa nasa TESDA (hindi kami close). Syempre dahil pare nga kami, kasama na naman ako. Pag-dating namin sa CD-R KING ang haba ng pila. Nung kami na ang bibili wala naman sila ng kailangan namin. Sayang ang pila -_-. Lumipat kami sa kabilang stall na walang bumibili. Dun meron. Pag-baba ng VICTORY MALL, hindi pa kami bumalik sa opisina. Nag-hanap pa kami ng SINGSING na ireregalo daw nya sa GF nya. 7 years na daw sila (yabang BELIBER naman) So hanap hanap kami. Pili dito, pili doon. COUPLE RING hanap nya. Halos isang oras kami doon na naghanap. May mga nakikitang maganda, wala namang ka’size sa kanya. Parang LONGGANISA kasi daliri nun. Hinahanap na kami ni SIR ROY sigurado. Pag-balik namin sa opisina, wala na naman si SIR ROY. Nasa TESDA daw sabi ni MOSLEY (isang taong nag-oojt na wala sa sarili.) 12 na nung mga oras na yun. Uwian na naman. Habang bumababa ako sa hagdan napagisip-isip ko, “GANITO BA TALAGA ANG OJT? PARANG WALA NAMANG AKONG GINAGAWA NA RELATED SA COURSE KO.” Pero hayaan mo na kesa mahirapan pa. Pag sakay ko sa jeep, ang dami ng estudyante ang nakasabay ko. Na-miss ko lang ung feeling ng first day ng class na, lilingon lingon ka sa paligid kung may mga babaeng magtatanong sayo kung anong section ka tapos magka-section pala kayo.