Linggo, Hunyo 12, 2011

HOY BAMPIRA AKO. TAKOT KANA?!

BABALA:
Ang pamagat ay walang kinalaman sa aking pabasa. wala na talaga ako maisip na pamagat kaya 'yan na ang nilagay ko.

Ika-anim na araw ng OJT. June 13, 2011.

6:30 pa lang gising na ako pero sa hindi malamang bagay, hindi pa din ako bumangon. Dala ko pa nga ung digicam sa pag-pasok nagbabakasakali na maka-YOUSCOOP ng nagbanggaang tren sa highway. Tsaka baka biglang dumating ang mga AUTOBOTS papa-picture sana ako. Pero wala sila. Mga INDIAN.

Pag-pasok ko 'yon late na pala ako. Dati kasi 8:30 pasok nila, ngayon 8:00 na pala. Unang araw ng pasukan sa ibang school lalo na sa college kaya may mga nakita akong magagandang tanawin (lalo kung hindi na sila humarap.) Tapos hindi pa pumasok si ERICHA (wala na yata balak.) KOREAN LANGUAGE SCHOOL din kasi ung company na pinasukan ko kaya may mga estudyante din sila. Nagaaral mag-KOREAN para maintindihan nila ang kabaduyan na pinagsasabi ng KPOP. Puro matatanda na halos 25 hanggang kamatayan na ang edad. Akala ko isang buong araw na naman ako magpopost ng ads dun (pero half day lang ako lagi.) buti na lang bibili ng SPARK PLUG si SIR NEO (hindi naman kami nakabili.) Kung saan saan lang kami nakapunta. Kumain pa kami ng mami sa mamihan (malamang sa mamihan talaga kakain ng mami.) Narinig ko pinaguusapan nung dalawang mama. "TALO NA PALA MIAMI." Bad news agad. Pero ayos lang DALLAS talaga ako. Idol ko kasi si STEVE NASH (nung nasa dallas pa sya..) Nawalan ako ng gana kumain ng mami pano ubos na ung kinakain ko. Mahal ng mami 20 isang mangkok ang liit naman parang tasa lang.

Hindi pa kami bumalik sa opisina nun naglibot muna kami ng GRAND CENTRAL. Pabalik balik lang kami. Pag-akyat namin sa 3rd floor yata o 4th floor basta sa may palaruan dun. May nakita kaming bata, naka-uniform. Ang ginawa namin tinakot namin. Sabi ni NEO

 "HOY BATA! ANO GINAGAWA MO DITO? MAY PASOK KA PA AH. UMALIS KA DITO. PUMASOK KA."

Hindi na nakapag-concentrate ung bata sa paglalaro ng TEKKEN TAG. Hanggang pag-alis namin nakatingin samin. akala siguro isusumbong namin sa guard. Tapos 'yon umalis na nga kami. Tawa kami ng tawa sa daan dahil nga dun sa batang takot na takot. Bigla na lang namin napagusapan ung tungkol sa kapangyarihan. Gusto daw nya maging INVISIBLE para daw kahit ano gawin nya hindi sya makikita. Ako gusto ko lang naman ung NAGPAPAHINTO NG ORAS para kahit ano pa kapangyarihan nila papahintuin ko lang ang oras wala ka na palag. Sabi pa nya para daw pag babarilin ka pahintuin mo ung oras tapos pihitin mo lang ung bala para daw bumalik sa kanya. Kung anu anu na napaguusapan namin. Tapos pag meron daw nagjo-jogging pahintuin mo daw ung oras tapos tapat mo ung nagjo-jogging sa open manhole. Habang papaakyat kami 'yon padin napaguusapan. Tapos bag balik namin sa opisina, konting inhale exhale lang uwian na agad. Hindi ko man lang nagamit ung digicam ko.